Tagalog Post


Una, itong poste ay gagawinko sa Tagalog bilang pagpunyagiko sa isang bisita at nangahas na nagkomento kahit, ayon sa kanya, hindi nya naintindihan ang mga nilalaman. Aniya, “kay ganda ng mga tunog, sarap sanang basahin ngunit ‘di ko maintindihan!”

Pangalawa, nais ko sanang palaguhin, ulit, din ang isinulsol na mga kataga sa aking labi ng sistematikong pagbaluktot ng aking dila ng banyagang tagalog (banyaga sa akin noon). Kahit ngayon, ang turingko sa Tagalog, ay banyaga pa rin. Dayo sa aking kamalayan ikanga dahil hindi sya katutubo sa aking kinalakhang nayon. (Humusga ang mapahangas kung pulpol ang mga tao sa nayon namin dahil lang ‘di alam ang Tagalog!)

Pangatlo, ito’y isang hamon sa mono-lingual o bi-lingual lang na mga tao. (Bato bato sa ulap ‘pag nahulog at tumama, bubukol…) Huwag kayong magalit dito sa mapangahas kong paglantad o paghamon, datapuwat, magpuyos kayo sa ngitngit, dahil sa sistematikong pagkakondisyon ng ating mga utak na sapatna ang English o/at Tagalog bilang daan sa pakikipagtalastasan.

Bago kayo magngitngit sa akin, bisitahin nating muli ang komento sa taas: “kay ganda ang mga tunog, sarap sanang basahin ngunit ‘di ko maintindihan.”

May ganda din pala sa pandinig at may sarap rin pala sa dila ang mga ibang lengguaheng kinaligtaang itinuro sa atin.

Sa nagkomento sa akin, alamko, proud siya sa kanyang wika. Taal, alam ko, ang kaniyang wika. Maliban lang kung pilit nya itong talikdan tulad din ng pagtalikod ng mga nakakarami sa kanilang kinagisnang wika. Sabi nila: “Ew, bariotik, promdi, ‘di in, kahiya, whaaa….matigas ang dila.” Sabi ng mga iba: Regional Languages. E, so what? E, ano? Ania koma ngay?

Welkam diri sa akong blog, madam. Makaibalu ug makasutli man ako ng bisaya, pero gamay ra. Kaluoy, giud, ang iba dyan na dili makaibalu sa atong sutli.

Aramay arum ditan ya alingwananda ray bukor dan dila, sengada barangay ya abalang ed taew.

Tama na muna. Walang cohesion ang topiko ko.

Advertisements

About Ka Loren
Siak ni Florentino B. Lorenzana, maysa a Filipino, Ilokano ken Pangasinan. Naiyanakak innem a bulan kalpasan ti deklarasion ti Martial Law ditoy Pilipinas. Madama a makumikom iti tignay kooperatiba.

9 Responses to Tagalog Post

  1. Hi, cool post. I have been pondering this issue,so thanks for sharing. I will probably be coming back to your site. Keep up the good work

  2. Ka Loren says:

    Ka Angie:

    Lalaki man ko, giud. Ang loren dre , e, unahang duha kataga sa akong apeliedo.

    Keep that radical vision alive and spreading. Tignanmo ang posteko. Kahit isa lang ang babalik sa kinalakhan niyang lengguahe, ok na ako.

    Kahit isa lang ang magpatuloy ng kaniyang ideya o maglabas sa kaniyang nakatagong ideya, ok na ako. Keep the fire burning ika nga. And soon the fire will grow…

  3. Free_angie says:

    NGAKS!!!
    Dili diay ka Ma’am?
    Confuse ko dah…Ka Loren man gud…
    Lalaki diay ka? Ka Loren means Lorenzo?
    Nailad ko dha…Ka Loren man gud…Hehehe….
    Daghan pod kaayong Salamat…Tanang imuhang giingon tama…
    “Never under estimate radical vision”
    Ang lalim ng meaning…
    Sana lahat ng tao katulad mo.Nakikinig at open minded.
    Ayaw kasi ng iba na may hihigit pa sa kanila,
    kaya di bukas ang isip nila sa bagong ediya ang iba.
    Kala nila sila lang ang magaling…

    Daghan Salamat pod kay makasabot diay gyud ka sa akong bisaya.
    Okey lang kung tagalog o English ang reply nimo.
    Okey lang pod gani kung Ilokano,ang nakadeperinsya ako na pod ang dili makasabot.
    Hehehe….Nindot gyud basabahon bah…Lami paminawon.Dili lang gyud ko makasabot..
    Kung may translator lang pod sa Ilocano sa google,gibuhat na nako.Hehehe…

    http://translate.google.com/translate_t#tl|en|Huwag%20sa%20ilalim%20ng%20inestima%20radikal%20paningin.

    Copy paste sa imuhang browser….

    Danghang kaayong Salamat…. ^_^

  4. Ka Loren says:

    Ka Eli,

    He he he. Biroko lang yun. Alam kong alam mo ang kalakaran natin.

    Ka Angie,

    Daghang salamat sa imong mahabang komento karon. Wow, sarap ng feeeling, naa na akong kaupod dre na hindi lang ilokano.

    “Minsan ang dami kong idea…Nahihiya akong sabihin at baka di nila maintindihan or di papansinin..Kaya tumatahimik na lang ako…But binigyan mo ako ng lakas ng loob.”

    Maging topiko na naman ito. Huwag tayong mahiya. Ipagmalaki natin ang mga ideya natin. Huwag nating itago ito. May isa diyan, kahit paisa-isa lang, ang papansin at naantig, ok na. Ikanga: Never under estimate radical vision.

    Ito na ang panahon na umaligwas ang mga rehional na lengguahe.

    Sori, ha. Sinasagot kita sa tagalog. Gamay ra sabi ko e, he he he. Pero lahat sa komentomo, naintindihanko.

    Daghang salamat uli. Siyanga pala, hindi ako ma’am, bwa ha ha.

    God will always be with you.

  5. Angie says:

    WOW! Mura kabalo ko kinsa ning,buot ipasabot sa post na ni ah… ^_^
    Hehehe…Proud ko!!! (Unsa bay proud sa bisaya?)
    Sorry nakalimot ko dah…Hehehe…Pasinsya na….
    Wala ko nagdahom na imuhang pansinon og hatagan og importansya ang akoang kumento…Unya gibuhatan pa gyud og topic sa imuhang blog…Daghan kaayo Salamat…
    Subra nakong nahatagan og importansya ang imuhang gibuhat…
    Proud ko sa akoang sarili sa pagbasa ani…
    “Una, itong poste ay gagawinko sa Tagalog bilang pagpunyagiko sa isang bisita at nangahas na nagkomento kahit, ayon sa kanya, hindi nya naintindihan ang mga nilalaman. Aniya, “kay ganda ng mga tunog, sarap sanang basahin ngunit ‘di ko maintindihan!”
    Nakabalo dayon ko si kinsa ang imuhang buot ipasabot….
    Tapos “bisita at nangahas na nagkomento” pahiramdam ko tuloy napakalakas ng loob ko…Kung nabasa mo ang about me ko…Maintindihan mo…Minsan ang dami kong idea…Nahihiya akong sabihin at baka di nila maintindihan or di papansinin..Kaya tumatahimik na lang ako…But binigyan mo ako ng lakas ng loob.
    Tama talaga ang pananaw ko…
    Yong mga taong di sumusunod sa nakakarami (traditional,stereotype, just to be fit in) ang siyang napapansin o lumulutang sa nakakarami.

    Tama ka…Lami gyud paminawon ang sarili natong lingguhe…Suwerte gyud ta kay dili ta malibak sa mga tagalog,og mga english people pero kita makapanglibak sa ilaha…Hehehe….

    Daghan kaayong Salamat Ma’am…. ^_^
    Ang panalangin sa Dios maana sa Atuang tanan…

  6. eli says:

    ka loren, hindi po, nag-thanks lang ako sabay lagay ng link para makita nila link mo. alam ko yun…at ako naman nakikisabay sa agos. hahaha. ok lang yun brother! tnx

  7. ELIment says:

    celebrity ba? hehe sa totoo lang nung una, gusto ko lang nun ipakita ang mga gawa ko. kaso medyo nag-isip ako ng strategy kong pano makahikayat ng konte ng mga mamamasyal sa blog. para kako madami ang makakita ng mga gusto kong ipahiwatig. browse mo yong mga unang post ko. makikita mo ang mga reklamo ni elyong. hehe pero teka, siguro nga medyo nalihis ako sa focus.

    salamat ha.nagsusulat ka naba sa bannawag? ano ba real name mo? hehe maaari mong sagutin yang mga tanong na yan sa email ko para sa ganun ay magkakilala tayo ng masmalalim.

  8. Ka Loren says:

    Ka Eli, parang ok tayo at nagkakaintindihan a, he he he.

    Mahirap lang kasi sa iyo, celebrity ka sa mga blog fansmo. Kung minsan, di nila pansin ang gusto mong ipahiwatig, in between the lines and colors, ika nga. Ngunit, saan ba paroroon at mahawaan din sila? Hindiko naman nilalahat.

    Sige, sabihinko sa kasamako at gawanka na niya ng article at masend sa iyo for final reading. Thanks again, Comrade.

  9. ELIment says:

    ka loren, iba at masarap talagang pakinggan ang sariling atin.

    salamat sa napakagandang comment mo sa blog ko. tama ka, alam mo sa sistema talaga ako galit. ganun ang unang tinumbok ng mga tanong ko. alam mo bang halos murahin ko ang sistema at kung sinu-sino pa sa gobyerno. galit ako dahil hindi nila sinusulusyunan ang problema. puro pampakalma lang ang inihahaing solusyon.

    at isa pa, bakit ginawa na nilang programa ang pag-export ng mga kabayan natin? dapat sikapin nilang dumating ang araw na alternative lang ang pag-abroad at hindi pangarap ng bawat pinoy o solusyon sa kahirapan pero actually, hindi nman talaga solusyon.

    tungkol sa tanong mo…tumataginting na “OO ” isang malaking karangalan sa akin yon ka loren. ngayon palang, nagpapasalamat na ako sa iyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: